invitation

Let yourself BE HEARD and EVANGELIZE with us! Feel free to POST your comments on every article.
- Com. on Media for Evangelization

Penafrancia Celebration LIVE

Saturday, September 20, 2014

Kafiestahan ni Nuestra Senora de Penafrancia - September 21, 2014




Mga Pagbasa: Genesis 3:9-15    Apokalipsis 11:19; 12:16    Lukas 2:27-35

photo: http://www.panchopiano.com/

Ang linggong ito ay espesyal sa buhay ng mga bikolanong katoliko sapagkat sa araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang kapyestahan ni Ina, Birhen ng Peñafrancia, ang patrona ng Kabikolan. Tayo ay nagbibigay pugay at nagpapasalamat sa mga biyayang natanggap sa pamamagitan ni Ina. Kaya ito sa parokya ni San Antonio de Padua sa Gubat ay malaking paghahanda rin ang ating ginawa upang lubos na maipakita at maipadama ang lalim ng debosyon sa Mahal na Ina.

Sa lahat ng ating pagsasaya at paghahanda sa kapyestahan ni Ina, mahalaga na huwag sana nating makalimutan kung ano nga ba talaga ang mga importanteng bagay na dala ng ating mahal na Ina sa buhay natin bilang mga Kristiyano. May tatlong mahahalagang bagay ang pwede nating pagnilayan sa buhay ni Ina na sana ay maging bunga ng patuloy na pagdebosyon natin sa kanya:

            Una, si Maria ay nakikinig sa salita ng Diyos (hearer of the Word)
            Pangalawa, si Maria ay sinasabuhay ang salita ng Diyos (doer of the Word)
            Pangatlo, si Maria ay dinadala tayo patungo kay Hesus

Una: Ang espesyal na lugar ni Maria sa ating pananampalataya ay nag-uugat dahil sa kanyang pakikinig sa salita ng Diyos. Siya ang nagging Ina ng Diyos  dahil sa pakikinig at pagtanggap nya sa balita ng anghel na sa Gabriel na nagdala ng napaka espesyal na mensahe mula sa Diyos. Kahit may takot na dulot ng presensya ng isang banal na anghel ay nagawa pa din ni Maria na pakinggan ang mensahe ng anghel.  Ang misteryo ng inkarnasyon o ng pagiging tao ng Diyos ay nagkatotoo dahil binuksan n’ya ang kanyang puso upang makapasok ang mensahe ng Diyos.

Kahapon ay ginanap sa parish youth congress.  Nakakatuwang basahin ang mga suhestyon ng mga kabataan na kanilang sinulat sa papel. Para sa mga susunod na pagpaplano ng komisyon ng kabataan, minarapat naming humingi ng kung anong mga nais nilang mangyari o gawin ng komisyon para sa kanila. Nakakatuwang makita na isa sa pinakamaraming beses na naisulat ay ang suhestyon an magkaroon ng pag-aaral ng bibliya sa kanilang mga kapilya. Hindi eto ang pinakainaasahan kong magiging una sa prayoridad ng kabataan subalit eto ang lumabas.  Marahil nga ramdam nila ang pangangailangan na makapakinig at makapag-aral ng salita ng Diyos.

Pangalawa: Hindi lang pakikinig kundi pagsasabuhay ng napakinggan. Ito ang pinakita sa atin ni Maria. Ang kanyang buhay ay naging buhay ng pagtalima sa kalooban ng Diyos, pagsunod sa salita ng Diyos. Hindi n’ya man lubos na maunawaan ang mga sinabi sa kanya ng anghel ay tinanggap n’ya ang misyon at pinalaki n’ya si Hesus.  Ang mga salita ni Simeon ay naganap sa kanya dahil sinikap n’yang gampanan ang misyon hanggang sa huling yugto ng buhay ng kanyang anak sa krus at sa patuloy na pag-aruga sa mga iniwan ng kanyang anak.

Pangatlo: Ad Jesum per Mariam, mga katagang latin na nagpapakita sa atin ng tamang lugar ni Maria sa patuloy nating pagdebosyon sa mahal na Ina.  Ang lahat ng ito ay magdulot nawa ng pagiging malapit natin kay Hesus, ang anak ni Maria, ang anak ng Diyos.  Sapagkat ito naman talaga ang misyon ni Ina; ang tayo ay maging malapit sa kanyang anak.  Iisa lang naman ang hangad ni Maria para sa atin, ang magawa rin natin ang kalooban ng kanyang anak.  Ang mangyari din sa atin ang kalooban ng Diyos. Kaya unang milagro ng kanyang anak sa kasalan sa Cana ay maririnig nating namutawi sa kanyang bibig ang mga katagang “gawin ninyo ang anumang pinapagawa N’ya” (Jn 2:5) Hindi galing kay Maria ang kapangyarihan at grasya kundi sa kanyang anak. Kaya tayong lahat ay itinuturo n’ya papunta kay Hesus.

Magdiriwang tayo ngayong araw pero sa pagtatapos ng ating pagdiriwang nawa ay patuloy nating ipanalangin kay Ina na pag-alabin pa ang ating mga puso sa pagnanais na makapakinig ng salita ng Diyos at maging tunay na taga-sunod ni Hesus.


Viva la Virgen!

No comments:

Post a Comment