invitation

Let yourself BE HEARD and EVANGELIZE with us! Feel free to POST your comments on every article.
- Com. on Media for Evangelization

Penafrancia Celebration LIVE

Saturday, August 30, 2014

Ika-22 na Domingo sa Ordinaryong Panahon - A - Agosto 31, 2014





Mateo 16: 21-27

Isang malaking tanong sa panahon ngayon ay ang tanong na "bakit pakunti ng pakunti ang mga taong nagpapari o pumapasok bilang mga relihiyoso at relihiyosa?" Kahit sa mga mismong nagsimula nang pumasok sa loob ng kumbento o seminaryo ay mapapansin na iilan din lang talaga ang nakakatapos.
Hindi naman talaga nakakapagtaka sapagkat ang panawagan ni Hesus sa lahat ng mga gustong sumunod sa kanya ay nakakatakot.

Sa ebanghelyo ngayong araw ay ipinakita ni Hesus sa kanyang mga alagad ang isang katotohanan ng kanyang misyon. Kailangan nyang pumunta sa Jerusalem at doon ay dadanasin nya ang pahirap at kamatayan. Kailangan nyang harapin ang pahirap at kamatayan dahil sa panawagan ng kanyang misyon. Para sa mga alagad na nakakarinig ang mga bagay na sinasabi ni Hesus ay natatakot para kay Hesus. Subalit ang panawagan na talikuran ang buhay para sa misyon ay hindi lang para kay Hesus kundi para din sa kanila, para sa lahat ng gustong sumunod sa kanya. "Ang sinomang taong ibig sumunod s akin ay tumanggi sa kaniyang sarili at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin."

Sa panahong ito na ang higit na pinapahalagahan ay ang pansariling ambisyon, seguridad at kasiyahan, ang panawagan ng pagiging alagad ni Hesus ay mas lalong nagiging mahirap at nakakatakot.  Mahalin ang sarili-eto ang isa sa napakalakas na panawagan ng mundo ngayon. Para sa iba, ang nagiging kahulugan ng pagmamahal sa sarili ay pagbigyan ang lahat ng hilig ng sarili. Subalit alam ni Hesus kung ano ang mangyayari sa taong ang iniisip lamang ay ang kapakanan ng kanyang sarili. "Ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mwalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon."

May malaking katotohanan sa mga salitang eto ni Hesus. Mas may kalayaan ang mga taong ang iniisip ay ang kapakanan ng ibang tao kesa sa mga taong ang laging iniisip ay kung paano malalamangan ang iba. Mas masaya ang mga taong nakakatulong sa kanyang kapwa kesa sa mga taong ang iniisip lagi ay kung paanong mas dadami pa ang pera nila.  Mas masaya ang magkakapit-bahay na nagtutulungan at nagbibigayan ng kanilang biyaya kesa sa magkakapitbahay na matataas ang pader at lahat ay may aso. Mas may buhay ang sambayanan na may pakialam sa nangyayari sa kapwa kesa sa sa mga taong nagkakanya kanya.

Ang pagiging alagad ni Hesus ay nananawagan ng paglabas sa sarili, ng pagtingin sa nangyayari sa buhay ng iba. Magpapasan di lang ng sariling krus kundi pati krus ng iba. Subalit lahat ng ito ay may kapalit ng tunay na saya, ng totoong buhay na si Hesus lang makapagbibigay. Ibibigay nya ito sa mga tao na ang sukaaltan ay ang uri din ng pagmamahal na ipinakita dito sa mundo.

TINGOG KAN PAROKYA GOES ONLINE!

The Commission of Media for Evangelization - Social Media Team, gladly welcomes you to TINGOG KAN PAROKYA Online edition,  reaching out to Gubatnons and devotees of St. Anthony of Padua worldwide. 
This site is updated weekly and offers the following sections: 
  1. Church News - Updates about Diocesan as well as Parochial Activities
  2. Reflections - Scriptural Reflections 
  3. Features - Literary contributions from parishioners (for your contribution: email us at sadpgubat@gmail.com).
  4. Tweetbits - Parish quick updates 
  5. Parish Calendar of Activities - Found at the bottom of this page.

              
               

Thursday, August 28, 2014

Help Restore the Roof of the Church

Post Typhoon GLENDA situation of the roof of the Church
God makes crooked events be moments of Grace.

for your donations here are our bank account numbers:

Dollar Account:

ST. ANTHONY OF PADUA PARISH GUBAT
105990129077 
SAVINGS ACCOUNT
BDO-SORSOGON
SWIFT CODE (for donations from overseas): BNORPHMM

Peso Account:

ST. ANTHONY OF PADUA PARISH GUBAT
005990200111
SAVINGS ACCOUNT
BDO-SORSOGON
SWIFT CODE (for donations from overseas): BNORPHMM

please do email us the deposit slip at sadpgubat@gmail.com for confirmation and acknowledgement purposes.

May St. Anthony of Padua, intercede for your intentions.